Bagong grupo hiniling ang paglayas ng US sa West Philippine Sea

By Jan Escosio May 01, 2021 - 06:03 PM

JOHN PAUL ROY PHOTO

Tinangka ng bagong tatag na Makabansang Alyansa na lusubin ang US Embassy sa Roxas Boulevard sa Maynila para hilingin ang paglayas ng puwersang military ng Amerika sa West Philippine Sea.

Ngunit hindi na nakalapit ang grupo matapos silang harangin ng mga pulis-Maynila sa TM Kalaw street ilang metro na lang ang layo sa embahada ng US.

Ayon kay Roperto Nambio, ang tagapagsalita ng Makabansa, dapat ay alisin ng gobyerno ng US ang kanilang mga gamit-pandigma sa West Philippine Sea dahil nakakasama ito sa nagaganap na pag-uusap ng Pilipinas at China ukol sa isyu ng agawan ng teritoryo.

Makakabawas din aniya sa kasalukuyang tensyon sa rehiyon ang pag-alis ng presensiya ng US at diin nito hindi naman kasama sa nangyayaring usapan ang Amerika kayat wala itong karapatan na magpadala ng kanilang puwersang military sa West Philippine Sea.

“Multilateral and third party countries who has no territorial claims should never be entertained,” aniya.

Diin pa niya ang interes ng US sa isyu ay pansarili lang at hindi para sa Pilipinas.

“We viewed US naval presence in the WSP as a form of imperialist intervention and aggression and intimidation to flex its militart and economic interest beyond its territorial water,” sabi pa ni Nambio.

Nais din nila na maibasura na ang PH – US Visiting Forces Agreement (VFA) gayundin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

“We also urge President Duterte to permanently junk the Visiting Forces Agreement and other military treaties like EDCA that uses the Philippines as a base for US military,” sabi pa ni Nambio.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.