China, paniguradong papalag sa presensya ng US sa South China Sea

By Kathleen Betina Aenlle April 15, 2016 - 09:15 AM

mischief_reef west phil seaInaasahan na ni Defense Sec. Voltaire Gazmin na muling mapipikon ang China sa presensya ng mga tropang Amerikano sa pinag-aagawang South China Sea.

Ayon naman kay US Defense Sec. Ashton Carter, hindi naman nila nais na magkaroon ng insidenteng may kaugnayan sa agawan ng teritoryo dahil wala naman silang kinalaman doon.

Ani pa Carter, nirerespeto ng Amerika ang mga posisyon ng iba’t ibang bansa o partido sa nasabing isyu sa teritoryo.

Ang sa kanila lang aniya, nais lang nila na maging maayos, mapayapa, at alinsunod sa batas ang anumang mga gagawing hakbang kaugnay sa isyung ito.

Sinimulan na ng Estados Unidos at Pilipinas ang joint patrol operations sa South China Sea.

Mayroong nasa 300 sundalong Amerikano ang mananatili sa bansa kahit tapos na ang Balikatan exercises hanggang sa katapusan ng buwang ito para maisakatuparan ang pagpapatrulya.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.