Walang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa – PAGASA

By Angellic Jordan April 30, 2021 - 05:58 PM

DOST PAGASA satellite image

Umiiral pa rin ang Easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren,  nakakaapekto ito sa Visayas at Mindanao.

Posible pa rin aniyang makaranas ng isolated rainshowers sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Samantala, patuloy na magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa Luzon.

Ani Clauren, mababa ang tsansa ng pag-ulan hanggang Biyernes ng gabi, April 30.

Wala namang namataang low pressure area o anumang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa.

TAGS: easterlies, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update April 30, easterlies, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update April 30

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.