Pinakawalang missile ng North Korea, pumalya
Nagpakawala ng medium-range ballistic missile ang North Korea ngayong umaga.
Gayunman, pumalya umano ang inilunsad na missile, ayon sa report ng Yonhap news.
Sa statement ng Joint Chiefs of Staff, sinabi nitong naglunsad ng missile ang Nokor mula sa East Sea pero pumalya ito. “North Korea appears to have tried a missile launch from the East Sea area early morning today, but it is presumed to have failed,” ayon sa CJS.
Nakasaad din sa pahayag na ang bagong Masudan missile ang pinakawalan ng North Korea.
Ngayong araw, ipinagdiriwang ng North Korea ang ika 104th na kaarawan ng kanilang founder na si Kim II-sung.
Pinangunahan ni North Korean leader Kim Jong-un ang pagbibigay pugay sa kaniyang lolo.
Binisita ni Kim ang Kumsusan Palace of the Sun, kasama ang matataas na opisyal ng militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.