“Kilig,” napasama na sa Oxford English Dictionary

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2016 - 07:29 AM

Kilig 2Kadalasang binabanggit ng mga Pinoy ang salitang “kilig” o “kinikilig” kapag nakikita ang kaniyang crush, gayunman, ang salitang “kilig” ay walang katumbas na partikular na termino sa English.

Pero ngayon, hindi na kailangang isipin kung ano nga ba ang English term para sa salitang “kilig” dahil opisyal na itong napasama sa Oxford English Dictionary.

Sa inilabas na bagong world list ng Oxford as of March 2016, ang salitang “kilig” ay inilarawan bilang noun at adjective.

Nakasaad sa Oxford na ang “kilig” bilang adjective ay nangangahulugan ng pagpapahayag ng kasiyahan ng taong may exciting o romantic experience.

“Of a person: exhilarated by an exciting or romantic experience; thrilled, elated, gratified,” or “Causing or expressing a rush of excitement or exhilaration; thrilling, enthralling, captivating.” Ayon sa Oxford English

Bilang noun, inilarawan naman ang “kilig” bilang excitement o labis na pagiging masaya. “Exhilaration or elation caused by an exciting or romantic experience; an instance of this, a thrill”.

Isinama din sa diksyunaryo ang mga salitang “kilig to the bones”, “kilig factor”, at “kilig moment”.

Noong nakaraang taon, kabilang sa Filipino words na napasama sa Oxford English Dictionary ang mga salitang “suki”, KKB o kani-kaniyang bayad, at “kikay”.

 

TAGS: Filipino word kilig now included in Oxford English Dictionary, Filipino word kilig now included in Oxford English Dictionary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.