Regularisasyon ng casual workers sa gobyerno sa Labor Day hiniling ni Sen. Ralph Recto
(Senate PRIB)
Inihirit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na sa paggunita ng Labor Day bukas, Mayo 1 ay ianunsiyo ang regularisasyon ng casual employees sa gobyerno na ilang taon na rin nagsisilbi sa gobyerno.
Aniya maaring unahin ang mga contractual workers sa mga pampublikong ospital at hindi lang ang mga medical staff kundi ang mga trabahador gaya ng attendants, cleaning and sanitation personnel at equipment technicians.
Dapat aniya simulan na ng gobyerno ang pagbubukas ng oportunidad para sa regular employment sa libo-libong casuals at ito ay ibabase sa merito
Sinabi pa ni Recto, pangako lang ni Pangulong Duterte ay malaking hakbang na at maaring mahawa na rin ang mga nasa pribadong sektor.
Nabanggit niya na noong nakaraang taon, may 600,000 contractual employees sa gobyerno base sa datos ng Civil Service Commission.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.