Meralco hindi magpuputol ng kuryente habang MECQ sa NCR Plus bubble

By Jan Escosio April 29, 2021 - 06:13 PM

Inanunsiyo ng Meralco na palalawigin nila ang ‘no disconnection policy’ sa kanilang mga kustomer na sa NCR Plus bubble hanggang umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sinabi ni Ferdinand Geluz, chief commercial officer ng Meralco, ikinukunsidera pa rin nila ang mga hamon na kinahaharap ng kanilang mga kustomer ngayon may pandemya.

Ngunit magpapatuloy ang meter reading alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission.

Ito ay para hindi na maulit ang nangyaring ‘bill shock’ noong nakaraang taon na inalmahan ng milyon-milyong kustomer ng Meralco.

“Our continued operations will ensure that actual consumption for the month will be billed accordingly,” sabi ni Geluz.

Ngunit, asahan na ang pagtaas sa babayaran sa kuryente dahil sa pagtaas ng konsumo bunga ng mainit na panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.