Easterlies, umiiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa
Patuloy na nakakaapekto ang Easterlies sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, asahan pa rin ang maaliwalas at maalinsangang panahon bunsod nito.
Ngunit, posible aniyang makaranas ng isolated rain showers o thunderstorms, lalo na sa hapon o gabi.
Pinayuhan naman ang publiko na maging maingat dahil sa mararamdamang init ng panahon.
Samantala, hanggang sa darating na weekend, sinabi ng weather bureau na walang inaasahang bagyo o sama ng panahon na papasok sa teritoryo ng bansa.
Ayon pa kay Ordinario, walang nakataas na gale warning sa bansa kaya malayang makakapalaot ang mga sasakyang pandagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.