PCSO Board Member Sandra Cam nagpa-ospital muna bago sumuko sa PNP – CIDG

By Jan Escosio April 29, 2021 - 02:23 PM

Matapos tanggapin sa ospital dahil sa hindi pa malinaw na kondisyon, sumuko sa PNP – CIDG si PCSO Board Member Sandra Cam na isinasangkot sa pagpatay sa isang lokal na opisyal sa Masbate.

Sinabi ni CIDG director, Ma. Gen. Albert Ferro nang ma-admit sa ospital si Cam ay inutusan nito ang kanyang security detail na makipag-ugnayan sa awtoridad para sa kanyang pagsuko.

Aniya sa isang ospital na sa Calabarzon nila isinilbi ang warrant of arrest.

Noong Lunes, naglabas na ng warrant of arrest ang isang korte sa Maynila laban kay Cam at sa anak nitong si Marco Martin kaugnay sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson.

Pinagbabaril at napatay si Yuson habang nag-aalmusal sa Sampaloc, Maynila noong Oktubre 9, 2019.

Tinalo ni Yuson ang nakakabatang Cam noong 2019 local elections.

Naninindigan naman si Cam na wala siyang kinalaman sa pagpatay at aniya haharapin niya ang kanyang kaso.

Ipinaaaresto din ng korte si Batuan Vice Mayor Nelson Cambaya at apat iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.