Hirit na gawing mandatory ang pagpapabakuna vs COVID-19 sa bansa, pinag-aaralan pa – Palasyo
Pinag-aaralan pa ng Palasyo ng Malakanyang ang hirit ni Congressman Elpidio Barzaga na gawing mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon kasi, hindi pa sapat ang suplay ng bakuna.
Sa buwan pa aniya ng Mayo inaasahang darating ang mga dagdag na bakuna.
“Well, talagang dapat pong pag-isipan na iyan, pero kapag marami na tayong bakuna. Baka naman eh magkakaroon tayo ng mandatory, hindi naman sapat ang bakuna,” pahayag ni Roque.
Una rito, sinabi ni Roque na hindi matutuloy sa araw ng Miyerkules, April 28, ang pagdating ng 15,000 doses ng bakuna na gawa ng Sputnik V ng Russia dahil sa logistical challenges.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.