Ilang tauhan ng PCG, nag-donate ng convalescent plasma
Boluntaryong nag-donate ang ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ng convalescent plasma.
Ito ay matapos silang maka-recover sa COVID-19.
Nagsimula ang ‘convalescent plasma donation drive’ sa Port Area sa Maynila noong Lunes, April 26, at tatagal hanggang Miyerkules ng hapon, April 28.
Ayon sa PCG, layon nitong manghikayat ang mga gumaling na PCG frontline personnel na tumulong sa pagpaparami ng suplay ng ‘convalescent plasma’ sa bansa.
Mayroon kasi itong ‘antibodies’ na kayang i-neutralize ang COVID-19.
Maliban sa convalescent plasma donors, parte rin ng programa ang pag-donate ng regular blood donors upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng blood transfusion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.