Bagong quarantine status sa Metro Manila, iba pang lugar base sa mga pag-aaral – Sen. Go
Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na anuman ang magiging quarantine status ng Metro Manila at iba pang lugar sa Sabado, Mayo 1, ay base sa masusing pag-aaral.
Inaasahan na Miyerkules ng gabi, April 28, ay iaanunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung mananatili ang pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila o magkakaroon ng pagbabago.
“Kung anuman po ang magiging desisyon ng members ng IATF, I’m sure pinag-aralan nilang mabuti. Ako naman po, kung ie-extend, kung makakatulong na bumaba ang active COVID-19 cases, ay sang-ayon naman po ako kung sakaling ‘yun ang magiging desisyon nila. Suportahan po natin,” sabi ni Go.
Pinatitiyak lang ng senador sa gobyerno na walang Filipino ang dapat na magugutom anuman ang community quarantine status.
Sinabi din nito na dapat ay pag-aralan na maikunsidera ang pagbubukas pa ng ibang industriya para may ikabuhay na ang ilan at mapasigla ang ekonomiya sa pagdidiin na dapat ay mahigpit na sundin ang minimum safety protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.