Bagong unified curfew hours sa Metro Manila simula sa Sabado, May 1
Nagkasundo ang 17 alkalde ng Metro Manila na magpatupad ng bagong unified curfew hours simula sa darating na Sabado, Mayo 1.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos, inaprubahan ng mga alkalde na bumubuo sa Metro Manila Council ang Resolution 21-09 Series of 2021, na nagtatakda ng curfew hours na alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.
“All local chief executives in Metro Manila have agreed to enact their respective Executive Orders and/or adopt their respective Ordinances for the proper implementation of the standardized and unified curfew hours,” ang nakasaad sa resolusyon.
Inaprubahan ang resolusyon, ayon kay Abalos, kahapon, Abril 27.
Magugunita na sa simula nang pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila noong nakaraang buwan, ang inaprubahang curfew hours ay alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw epektibo hanggang sa Biyernes, Abril 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.