Nabakunahan ng Pfizer o AstraZeneca vaccines maliit ang tsansa na makahawa

By Jan Escosio April 28, 2021 - 11:00 AM

Nababawasan ang posibilidad na makahawa sa mga kasama nila sa bahay ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer o AstraZeneca.

Ito ay base sa pagsasaliksik na ginawa ng Public Health England at inilathala kahapon.

Base sa pagsasaliksik, 38 hanggang 49 porsiyentong kabawasan sa posibilidad na makahawa ang mga tinamaan ng COVID-19 tatlong linggo matapos maturukan ng Pfizer o AstraZeneca kumpara sa mga hindi pa nabakunahan.

Ikinatuwa naman ni British Health Secretary  Matt Hancock ang resulta ng pagsasaliksik.

“This is terrific news. We already know vaccines save lives and this study is the most comprehensive real-world data showing they also cut transmission of this deadly virus,” sabi ni Hancock.

 

TAGS: AstraZeneca, British Health Secretary  Matt Hancock, COVID-19, pfizer, vaccine, AstraZeneca, British Health Secretary  Matt Hancock, COVID-19, pfizer, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.