Financial assistance sa judges, court employees na tinamaan ng COVID 19 inaprubahan ng Supreme Court
Pumayag ang Korte Suprema na mabigyan ng financial aid ang mga hukom at tauhan ng mga korte na nagkasakit at namatay dahil sa COVID 19.
Sinabi ni Court Administrator Midas Marquez, inaprubahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang financial assistance at sumang-ayon ang lahat ng mahistrado.
Nabatid na P15,000 ang ibibigay sa mga hukom at court employees na nakaranas ng mild hanggang moderate symptoms ng COVID 19; P30,000 naman sa naging kritikal ang kondisyon at P50,000 ang ibibigay sa pamilya ng mga namatay simula noong Marso nakaraang taon.
Hindi naman malinaw pa kung ang naturang financial assistance ay ibibigay din sa mga mahistrado at kawani ng Korte Suprema, Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan.
Hindi rin nabanggit kung ilan na ang mga kuwalipikado sa tulong-pinansiyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.