Paggamit ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 paiimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon April 28, 2021 - 08:11 AM

Nais paimbestigahan ni dating House Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang pagastos ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2.

Ayon kay Cayetano, magagamit ito sa pagtalakay ng Kamara sa isinusulong ngayong Bayanihan 3 Bill.

Kung ano aniya ang tama sa Bayanihan 1 at 2 ay dapat isama sa Bayanihan 3.

Inihalimbawa ni Cayetano ang P4 billion na pondong inilaan sa Department of Education (DepEd), para sa 10,000  units ng tablet at laptops ng mga estudyante at mga guro para sa blended learning.

Gayuman, sabi nito, kahit ni-isang paracetamol na tablet o kung anumang brand ng tablet ay wala pa raw siyang nakikitang lumabas mula sa DepEd.

Matatandaan na sa Bayanihan 1 o Bayanihan to Heal as One act, nag-realign ang pamahalaan ng P275 billiion na pondo para sa COVID-19 response; habang P165.5 billion naman sa Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act.

Sa ngayon ay nakabinbin pa rin sa Mababang Kapulungan ang Bayanihan 3 Bill.

 

TAGS: Alan Peter Cayetano, Bayanihan Bill, COVID-19, deped, Alan Peter Cayetano, Bayanihan Bill, COVID-19, deped

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.