Department of Agriculture hinikayat na makipagtulungan sa mga itinatayong community pantry
Pinatutulong ni House Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas ang Department of Agriculture sa mga community pantries na itinatayo sa buong bansa.
Ayon kay Vargas, maaaring maging tulay ang DA upang direktang makabili ang mga may-ari o organizers ng mga community pantry ng iba’t-ibang produkto ng mga lokal na magsasaka at mangingisda.
Kabilang na rito ang mga bigas, gulay, prutas, karne, isda at iba pang pagkain na karaniwang ibinibigay ng mga community pantries sa mga taong pumipila at nangangailangan ng ayuda.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Vargas na makatutulong pa ang DA sa lokal na industriya na nasapol din ng epekto ng COVID-19 pandemic at mga nakalipas na kalamidad.
Paliwanag pa nito, maraming magsasaka at mangingisda ang tiyak na kikita habang ang mga community pantry ay makapag-papatuloy sa kanilang mabuting hangarin na makatulong sa panahon ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.