Destino ng mga pulis sa eleksyon, ilalabas na sa susunod na linggo ayon sa PNP

By Ruel Perez April 14, 2016 - 06:10 PM

pnpMalalaman na ng mga pulis na gagamitin sa eleksyon ang kanilang actual place of assignment partikular sa mga polling precint para sa darating na May 9 election.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Deputy Director Danilo Constantino, kasabay ito ng pagsasagawa ng final testing ng mga vote counting machines sa mga polling precints na magsisimula ng May 2 hanggang May 6.

Ang kailangan na lang ani Constantino ay magkaroon ang kanilang mga tauhan sa Commission on Elections ng pakikipag-koordinasyon para sa posibilidad na pagbabago kung meron man.

Pero ayon kay Constantino, mas malaki ang posibilidad na kung saan sila itatalaga sa Mayo 2 ay yun na rin ang kanilang assignment sa eleksyon sa May 9.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.