Apat na online sellers, timbog sa P1-M halaga ng marijuana sa Mountain Province
Arestado ang apat na kabataan matapos makumpiskahan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ng P1 milyong halaga ng marijuana sa Sadanga, Mountain Province Lunes ng gabi.
Kinilala ang apat na sina Dan Mark delos Reyes, Lorence Ignacio, Vince Robles at John Cesar Padilla.
Ayon kay PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva, nakatanggap sila ng impormasyon na may ibibiyaheng marijuana papuntang Metro Manila kayat naglagay sila ng checkpoint sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sadanga.
Naharang ang sinasakyang Toyota Avanza ng apat at nang siyasatin ang loob ay nadiskubre ang droga.
Aniya, ang apat ay sangkot sa online selling ng droga at ang nakumpiska nilang mahigit walong kilo ng marijuana ay dadalhin sa Marikina City.
Pinaniniwalaan na ang droga ay ipapakalat naman sa Silangang bahagi ng Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.