DOH dapat may malawakang information campaign sa nararanasang matinding init ng panahon-Marcos
Nanawagan si Vice Presidential Candidate Senator Bongbong Marcos sa gobyerno na maglunsad ng malawakang information campaign kung paano makatugon ang bansa sa nararanasang matinding init.
Apela ito ni Marcos sa gitna ng pagtaas ng temperatura sa dangerous levels batay sa the heat index na naitala na PAGASA, kung saan sa Cabanatuan City ay umabot sa 52.3 degrees Celsius Martes ng hapon, mas mataas sa 51 degrees Celsius recorded noong Lunes.
Iminungkahi ni Marcos sa Department of Health na ipaalam sa mga komunidad ang mga hakbang at aksyon para maiwasan ang heat stroke at ibang sakit.
Mabuti aniya na direktang ipaalam sa mga tao ang problema at turuan sila kung paano maiwasan ang mga sakit bunsod ng mainit na panahon lalo na sa mga bata na naglalaro sa init ng araw.
Dagdag ng senador, dapat sabihan ng DOH ang mga barangay health workers na magsagawa ng information dissemination dahil sila ang pamilyar sa kanilang komunidad.
Dapat din aniyang sanayin ang barangay personnel sa first aid treatment para matugunan ang heat stroke victims.
“It seems that this weather aberration will be with us for a long time. kaya dapat handa tayo at marunong tayo na alalayan ang ating mga kababayan na maaaring magkasakit dahil sa sobrang init,” Ani Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.