NTF-ELCAC spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sinita sa pambabastos sa mga senador
Hanggang kagabi, 14 na senador na ang pumirma sa resolusyon na hinihiling na makastigo si Lt. General Antonio Parlade Jr., dahil sa umanoy bastos na pahayag nito sa mga senador.
Gayundin, nakasaad sa resolusyon na iniakda ni Senate Minority Leader Frank Drilon na mabusisi ng Kongreso ang paggasta ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa resolusyon, pinuna na ng mga senador ang pambabastos ni Parlade matapos nilang punahin ang mga pahayag ng opisyal laban sa mga nag-organisa ng community pantries.
Gayundin ang paulit-ulit na ‘red tagging’ ni Parlade sa mga sibilyan na nagsimula sa mga kilalang indibiduwal at showbiz personalities.
Sumuporta sa resolusyon sina Senate President Vicente Sotto III, Pro Tempore Ralph Recto, Sens. Nancy Binay, Grace Poe, Sherwin Gatchalian, Leila de Lima, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Joel Villanueva, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan, Koko Pimentel at Pia Cayetano.
Inaasahan na ngayon araw pormal na ihahain ang naturang resolusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.