2-weeks MECQ extension sa Metro Manila pinaboran ni DOH chief Duque

By Jan Escosio April 26, 2021 - 10:35 AM

Pabor si Health Secretary Francisco Duque III na palawigin pa ng dalawang linggo ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at apat na probinsiya na kasama sa NCR Plus bubble.

Katuwiran ni Duque sa kanyang posisyon, maraming ospital ang nanatiling nasa ‘critical risk classification’ dahil sa patuloy na pagdagsa ng COVID 19 patients.

“Kung titingnan natin ang datos, tingin ko talagang kinkailangan ipagpatuloy ang MECQ for another week or two dahil nga ‘yung ating health system capacity hindi masyadong nag-i-improve pa sa ngayon,” sabi ng kalihim sa isang panayam.

Naniniwala ito na kung paiiralin pa rin ang MECQ hanggang sa kalahati ng Mayo sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan at maaring magpatuloy ang bahagyang pagbaba ng kaso ng COVID 19.

“Ipagpatuloy muna natin ang MECQ para kitang-kita o malaki ang pagbaba ng mga bagong kaso at magkaroon ng reversal ng trend,” dagdag pa ng kalihim.

Kahapon panibagong 8,162 bagong COVID 19 cases sa bansa ang naitala at ang kabuuang bilang ay inaasahan na hihigit na sa isang milyon ngayon araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.