Bagyong Bising, bumilis habang papalayo ng bansa; Storm signal, inalis na
Bumilis at napanatili ang lakas ng Typhoon Bising habang papalayo ng bansa.
Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 390 kilometers Silangan ng Basco, Batanes dakong 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Hilaga Hilagang-Silangan sa bilis na 15 kilometers per hour.
Sinabi pa ng weather bureau na unti-unti nang hihina ang bagyo kung saan mababa ito sa severe tropical storm category sa Biyernes, April 23, at tropical storm category sa Sabado, April 24.
Inalis na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang bahagi ng bansa.
Inaasahan namang lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng gabi o Linggo ng madaling-araw, April 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.