Isa pang ospital, binigyan ng FDA ng compassionate special permit sa Ivermectin

By Erwin Aguilon April 22, 2021 - 05:17 PM

May isa pang ospital ang nabigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate special permit para gumamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Sinabi ito ni FDA Dir. Eric Domingo sa online hearing ng House Committee on Good Government hinggil sa umano’y kwestyonableng guidelines at mga polisiya ng Department of Health (DOH) at ng FDA na nagiging sagabal sa pagbibigay sa serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.

Gaya sa dalawang nauna, hindi rin tinukoy ni Domingo kung anong ospital ang nabigyan ng CSP para sa Ivermectin.

Binanggit rin nito na mayroon pang isang application na nakabinbin sa kanila.

Sa pagdinig ng Kamara, muling iginiit ng mga kongresista sa FDA na bilisan ang proseso para magamit ang Ivermectin sa mga nahawa ng COVID-19 dahil marami nang testimonya na nakatutulong itong magpagaling.

Nag-commit naman si Dir. Domingo sa mga mambabatas at inulit na hindi sila kontra sa naturang gamot at kailangan lang sundin ang national guidelines

TAGS: compassionate use permit, COVID-19 response, FDA, Inquirer News, Ivermectin, Radyo Inquirer news, compassionate use permit, COVID-19 response, FDA, Inquirer News, Ivermectin, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.