11 percent na mga health workers sa bansa ayaw magpabakuna

By Erwin Aguilon April 22, 2021 - 08:10 AM

Manila PIO photo

Hindi pa nababakunahan lahat ng mga health workers sa Pilipinas.

Ito ang pag-amin ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa joint hearing ng House Committees on Health at Trade and Industry.

Ayon kay Cabotaje, mayroon pang 11 percent  ng mga health workers ang hindi pa rin nagpapabakuna kontra COVID-19.

Sa kabuuan aniya ay nasa 1.8 million health workers sa bansa ang nababakunahan hanggang noong Abril 20 dahil sa mayroong agam-agam ang ilan sa mga ito o naghihintay sa pagdating ng kanilang gustong  brand ng bakuna.

Kaya naman patuloy ang kanilang pag-apela sa mga chief ng mga ospital at sa regional directors ng Department of Health na magtulungan sa paghikayat sa mga health workers na magpabakuna na.

Iginiit ni Cabotaje na ang mga health workers ang nangunguna sa laban kontra COVID-19 pandemic kaya mahalagang mabakunahan ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Mayroon aniyang mga proposal sa ngayon na gawing mandatory ang pagbakuna ng mga health workers, subalit ang overriding principle pa rin aniya sa kasalukuyan ay boluntaryo pa rin ito dapat.

 

TAGS: bakuna, COVID-19, Health Undersecretary Myrna Cabotaje, health workers, bakuna, COVID-19, Health Undersecretary Myrna Cabotaje, health workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.