Negatibo na si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa COVID-19.
Ayon sa kalihim, negatibo ang lumabas sa kaniyang huling RT-PCR test matapos makumpleto ang isolation period.
Nagpasalamat naman si Lorenzana sa mag nag-alay ng panalangin para sa kanyang paggaling sa nakakahawang sakit.
“I can finally return to work and continue serving the Filipino people,” pahayag pa nito.
April 6 nang ianunsiyo ng kalihim na nagpositibo siya sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.