DA, tiniyak na ‘stable’ ang suplay ng isda sa NCR plus
Siniguro ng Department of Agriculture (DA) sa mga consumer na stable ang suplay at presyo ng isda, partikular sa National Capital Region (NCR), at mga lalawigan na kabilang sa NCR plus (Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna) sa gitna ng pandemya.
“This favorable condition was due to the peak season in the country’s major fishing grounds, as well as from the DA’s efforts to ensure food security amid the pandemic,” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar.
“During the second week of the month, from April 8 to 14, total volume of marine fish catch unloaded at the Navotas Fish Port Complex amounted to 3,760 metric tons (MT), 200 MT more than the previous week,” dagdag pa nito.
Base sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), karamihan aniya sa mga dumadating na suplay ay galunggong habang ang iba ay kombinasyon ng turay, tulingan, tunsoy, tamban, pusit, matambaka, gulyasan, dalagang bukid at hipon.
Nahuli ang mga isda sa dagat na sakop ng eastern at northern Palawan, Zamboanga Peninsula, at Visayan Sea.
Marami ring suplay ng bangus at tilapia na nanggagaling sa mga fishpen at fishpond sa Bulacan, Pangasinan, Taal Lake sa Batangas, at Laguna de Bay.
Bilang resulta, sinabi ni Dar na stable pa rin ang presyo nito sa mga pampublikong pamilihan sa NCR plus.
Sa 10 retail markets at isang wholesale market sa NCR, pumapatak sa P180 hanggang P240 ang presyo ng kada kilo ng galunggong, habang ang presyo ng tilapia ay naglalaro sa P120 hanggang P130 at P180 naman sa bangus.
“In the months ahead, we will continue to make fishery products and food, in general, accessible and affordable to all consumers, particularly in the ‘NCR plus’ and in other urban communities, where the threat of hunger looms,” saad ng DA chief.
Titiyakin din aniyang makakatanggap ang mga maliliit na mangingisda ng maayos na presyo para sa kanilang mga huli.
“We consider our fisherfolk as among the new heroes of today as they help keep our food supply lines replenished,” dagdag pa nito.
Sinabi rin ng kalihim na patuloy silang magbibigay ng mga kinakailangang fishing boats at equipment, technical assistance, credit, at marketing support.
“We hope our initiatives will empower and sustain their livelihood, enabling them to earn more income, and subsequently rise above poverty and hunger,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.