Bilang ng stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa #BisingPH, nasa higit 2,000
Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga stranded na pasahero sa mga pantalan.
Bunsod pa rin ito ng Typhoon Bising.
Sa maritime safety advisory hanggang 12:00, Martes ng tanghali (April 20), stranded ang 2,149 pasahero, drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Bicol region, at Central Visayas.
Maliban dito, stranded din ang 20 vessels, at 773 rolling cargoes.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.