Nanay ng batang nasawi sa sunog sa Parañaque City, kritikal ang kondisyon

By Chona Yu April 13, 2016 - 12:35 PM

fire-defaultBrain dead na ang isang ginang matapos magtamo ng lapnos sa katawan nang masunog ang tinitirhang apartment sa Tamarao Court, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Nasa intensive care unit (ICU) ngayon sa San Juan de Dios Medical Center ang biktimang si Cherry Diane Feliciano Garcia o mas kilala bilang Cindy, 33 anyos.

Ayon kay Maria Tan, bestfriend ni Garcia, pinapirma na ng mga doktor ang magulang ng biktima na hindi na ire-revive pa si Garcia oras na magkaroon ito ng siezure.

Paliwanag ni Tan, malambot na kasi ang dibdib ni Garcia dahil sa sunog na tinamo at puno na rin ng usok ang baga nito.

Isinisisi ni Tan ang sinapit ng mag-iinang Garcia sa mabagal na pagresponde ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng kawalan ng medics na dumating sa sunog.

Ayon kay tan, matapos ang sunog, isinilid na sa body bag ang katawan ni Cindy Garcia gayung buhay pa ito at gumagalaw.

Sa naturang sunog, binawian ng buhay sa ospital ang pitong taong gulang na anak ni Garcia na si Jessie Dominic Garcia o kilala sa palayaw na Onyx, habang nagtamo rin ng lapnos sa katawan ang kapatid ni Jessie na si Chloe na tatlong buwan pa lamang.

Kung agad aniyang na nakaresponde ang medics sa sunog, maaring buhay pa si Jessie at hindi sana nasa peligro ang buhay ni Cindy.

Ang sunog sa tahanan ng pamilya Garcia ay naganap pasado alas 10:00 ng gabi kagabi (Martes).

 

TAGS: Fire in Tambo Paranaque City, Fire in Tambo Paranaque City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.