LGU dapat pwedeng makipagkasundo sa ibang bansa kahit walang pahintulot ng ehekutibo-Tolentino
Kailangan nang amyendahan ang local government code para mas makatugon sa mga isyu at pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan.
Ito ang sinabi ni Independent Senatorial Candidate Francis Tolentino.
Aniya kailangan na ang masusing pag-aaral para dito upang mas makinabang ang sa malayang kalakalan ang mga Local Government Unit (LGU) bunsod na rin ng ASEAN integration.
Ipinunto pa ni Tolentino na bilang three-term mayor ng Tagaytay City, batid niya ang mga pangangailangan ng mga LGUs.
Isa sa isyu na kaniyang binanggit ang kawalan ng kapangyarihan na makipakasundo sa ibang bansa ng walang pahintulot mula sa Department of Finance o National Economic Development Authority.
Aniya kadalasan kapag dumadalo ang mga local official sa mga international conference ay hanggang obserbasyon lang sila samantalang ang kanilang counterparts ay malayang pumasok sa mga bilateral agreements.
Nais nito na bigyan ng mas malawak na otonomiya ang mga LGUs na makapaglunsad ng mga proyekto katuwang o katulong ang ibang bansa na hindi na kailangan pa ang pahintulot ng ehekutibo.
Dagdag pa ni Tolentino na dapat mas malaki ang maibigay na internal revenue allotment (IRA) sa mga LGU na maganda ang performance, gayundin ang mga nasalanta ng kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.