Publiko makikinabang sa unti-unting pagbabayad ng utang ng Pilipinas

By Erwin Aguilon April 19, 2021 - 06:29 PM

Suportado ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda na publiko ang makikinabang sa plano ng pamahalaan na pakonti-konti ang pagbabayad ng utang.

Ayon kay Salceda, magandang balita ito dahil kapag hindi gaanong malaki ang binabayarang utang ng pamahalaan ay mas maraming tao ang matutulungan.

Base sa latest debt service data ng Bureau of Treasury (BTr), natukoy na noong Pebrero ay P33.3 billion lang ang binayad ng pamahalaan sa utang ng bansa.

Mas mababa ito ng 77 porsyento kumpara sa P144.64 billion na ibinayad sa kaparehong buwan noon namang nakaraang taon.

Nakasaad sa datos ng BTr na malaki ang ibinaba sa binabayarang amortization ng pamahalaan, dahilan kung bakit dumoble naman ang babayarang interest nito.

Gayunman, sinabi ni Salceda na mayroong sapat na fiscal protection ang Pilipinas kaya kahit tumaas ang utang ng gobyerno ay mababa naman ang peso-on-peso interest ng mga ito.

Bagama’t malaki aniya ang debt flow o deficit ng Pilipinas, ang debt stock ng bansa ay mas mababa kung ikukumpara sa sariling historical performance mismo.

Gayunman, kailangan na patuloy na magkaroon ng fiscal at economic reforms, at suportahan ng pamahalaan ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa upang maipakita sa capital markets na committed ang Pilipinas sa anumang hakbang para makabangon sa kalbaryong idinudulot ng COVID-19 pandemic.

TAGS: 18th congress, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda, utang ng Pilipinas, 18th congress, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda, utang ng Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.