#BisingPH, napanatili ang lakas habang mabagal ang pagkilos; Ilang lugar, nakataas pa rin sa Signal no. 2

By Angellic Jordan April 19, 2021 - 05:31 PM

Napanatili ang lakas ng Typhoon Bising habang mabagal na kumikilos sa Silangang bahagi ng Camarines Norte.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 500 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon dakong 4:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.

Mabagal na tinatahak ng bagyo ang direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran.

Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2:
– Catanduanes
– Eastern portion ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Goa, Tigaon, San Jose, Presentacion, Sagnay, Buhi)
– Eastern portion ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu, Legazpi City, Manito)
– Eastern at central portions ng Sorsogon (Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Casiguran, Juban, Magallanes, Bulan, Bulusan, Irosin, Santa Magdalena, Matnog)
– Northern Samar
– Northern portion ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Matuguinao, San Jose de Buan, San Jorge, Tarangnan, Pagsanghan, Catbalogan City, Paranas, Jiabong, Motiong, Hinabangan, San Sebastian)
– Northern portion ng Eastern Samar (San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

Signal no. 1:
– Eastern portion ng Cagayan (Lal-Lo, Gattaran, Alcala, Baggao, Amulung, Solana, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Peñablanca, Camalaniugan, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana)
– Isabela
– Quirino
– Northern at central portions ng Aurora (Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag)
– Eastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres) kabilang Polillo Islands, Camarines Norte
– Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
– Nalalabing bahagi ng Albay
– Nalalabing bahagi ng Sorsogon, at Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands
– Nalalabing bahagi ng Samar
– Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
– Biliran
– Leyte
– Northern portion ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan and Camotes Islands

Ayon sa weather bureau, mararanasan ang moderate to heavy na kung minsan ay intense rains sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran at northern portion ng Leyte.

Nagbabala ang PAGASA na maaari itong magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.

Base sa forecast track, patuloy na kikilos ang bagyo sa direksyong Hilaga o Hilaga Hilagang-Kanluran hanggang Miyerkules ng gabi, April 21, hanggang Huwebes ng madaling-araw, April 22.

Pagkatapos nito, kikilos naman ang bagyo sa direksyong Hilagang-Silangan o Silangan Hilagang-Silangan papalayo sa kalupaan ng Luzon.

TAGS: BisingPH, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news, weather update April 19, BisingPH, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news, weather update April 19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.