Dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas (April 20)

By Angellic Jordan April 19, 2021 - 02:09 PM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng dagdag sa presyo sa ilang produktong petrolyo.

Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil at Shell, may dagdag na P0.60 sa kada litro ng gasolina habang P0.70 naman sa presyo ng diesel.

May ipapatanojg namang P0.85 sa bawat lito ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga (April 20).

Dakong 4:01, Martes ng hapon naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Mauuna namang ipatupad ang oil price rollback sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, diesel price, gasoline price, Inquirer News, kerosene price, oil price adjustment, oil price increase, Radyo Inquirer news, BUsiness, diesel price, gasoline price, Inquirer News, kerosene price, oil price adjustment, oil price increase, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.