Mga isyu sa ECQ ayuda pinaaayos ni Sen. Risa Hontiveros sa DSWD, DILG

By Jan Escosio April 19, 2021 - 01:30 PM

Hiniling ni Senator Risa Hontiveros sa DSWD at DILG na linawin ang lahat ng mga isyu na bumabalot sa pamamahagi ng one-time P1,000 cash aid sa mga naapektuhan nang pagpapairal muli kamakailan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na katabing lalawigan.

Sinabi ng senadora hindi na sapat na maituturing ang ayuda kayat nararapat lang na hindi na pinatatagal ang pamamahagi at hindi na rin dapat aniya ibinubulsa.

Puna pa ng senadora maraming balita, maging sa mga social media, ng mga reklamo ukol sa naturang programa.

“Mayroong mga reports na may listahan ng beneficiaries na may pangalan ng patay na tao o menor de edad, na di dapat qualified sa ayuda. Mayroong mga beneficiaries ng kasalukuyang Pantawid Program (4Ps) na nawala ang pangalan sa listahan para sa ayuda. Mayroon ding mga report ng mga beneficiary na hindi sinama sa listahan dahil hindi sila botante sa lugar. These stories are way too many to be mere fabrications and should be fully investigated,” aniya.

Binanggit din ang pangamba na maging ‘super spreader event’ ang distribusyon dahil maraming ulat ng pagsisiksikan sa mga pamamahagi ng ayuda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.