Seniors, COVID 19 patients na naka-home quarantine pinabibigyan ng COVID 19 kits

By Erwin Aguilon April 19, 2021 - 12:11 PM

Hinikayat ni Senior Citizen Partylist Representative. Rodolfo Ordanes ang gobyerno na bigyan ng mga libreng ‘kit’ ang mga indibidwal gaya ng mga nakatatanda na naka-home quarantine makaraang tamaan ng COVID-19.

Ayon kay Ordanes, bagama’t naka-home quarantine ang mga pasyente na may mild o moderate cases, kailangan pa rin aniyang matutukan ang kanilang kondisyon.

Ito anya ay upang hindi sila mag-panic at maiwasan na sila ay sumugod at makipagsiksikan sa mga ospital na ngayo’y nakatutok sa mga severe o kritikal na pasyente.

Batid naman aniya ng lahat na punuan pa rin sa ilang mga ospital, lalo na sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine o MECQ.

Dahil dito, sinabi ni Ordanes na mainam kung mamamahagi ang DOJ at DSWD at kinauukulang ahensiya, maging ang mga lokal na pamahalaan ng COVID 19 kits, na maglalaman ng mga gamot, COVID-19 testing kits na antigen o para sa saliva test,pagkain at iba pang pangangailangan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.