Vaccination rollout pinabibilisan, paabutin sa mga barangay bilin ni Sen. Bong Go sa gobyerno

By Jan Escosio April 19, 2021 - 12:02 PM

Sa pagdami na ng mga maari nang bakunahan na sektor ng lipunan, hiniling ni Senator Christopher Go sa gobyerno na bilisan ang ikinakasang vaccination rollout sa maayos at epektibong pamamaraan.

Kinakailangan, ayon sa namumuno sa Senate Committee on Health, ng detalyadong panuntunan na susundin ng mga maari ng mabakunahan.

Hinikayat din niya ang DOH na paabutin maging sa mga barangay ang pagbabakuna para maiwasan ang pagdagsa at pagkumpulan ng mga babakunahan sa vaccination centers.

Dahil aniya sa inaasahan na pagdating ng mga bakuna kailangan pabilisin ang rollout para agad maabot ang ‘herd immunity.’

“LGUs and DOH must maximize available facilities, volunteers, doctors and nurses to speed up an orderly inoculation. Sabi nga ng Pangulo noon, dalhin dapat ang bakuna sa pinaka-mahihirap at pinaka-malalayong mga lugar,” sabi nito.

Iginiit din niya na dapat mahigpit na sundin ang priority list at kamakailan ang kabilang siya sa mga nagtulak na maisama ang mga nasa industriya ng pamamahayag sa A4 category.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.