Magat Dam nagpakawala ng tubig dahil sa ulan dala ng bagyong Bising; 8 lugar nasa ‘Signal No. 2’

By Jan Escosio April 19, 2021 - 08:42 AM

Kinailangan na magpakawala ng tubig sa Magat Dam bilang bahagi ng paghahanda sa ulan na idudulot ng bagyong Bising.

Ala-6 kanina, ayon sa PAGASA, nang buksan ang spillway ng Magat Dam, na ang tubig ay aagos sa Cagayan River at aabot sa Isabela at Nueva Vizcaya.

Samantala, sa 5am bulletin ng PAGASA, napanatili ng bagyo ang lakas ng hangin nitong 195kph malapit sa gitna at may bugso na aabot sa 240kph.

Huling namataan ito sa distansiyang 20 km silangan-hilagangsilangan ng Virac, Catanduanes.

Nanatiling nakataas ang Signal No. 2 sa Catanduanes, ilang bahagi ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar at Biliran kayat inaasahan ang hanggang malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lalawigan.

Ayon sa PAGASA, maaring magdulot ito ng flashfloods at landslides.

Samantala, sa huling datos mula sa NDRRMC, higit 15,852 pamilya na sa Bicol Region ang lumikas.

Nanatili naman walang suplay ng kuryente sa Northern Samar at ilang bahagi ng Samar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.