Mga nabigyan ng ‘ECQ ayuda’ sa Maynila, nasa 52 porsyento na

By Angellic Jordan April 16, 2021 - 11:28 PM

Umaarangkada pa rin ang pamimigay ng tulong pinansiyal sa mga naapektuhan ng Enhanced Communit Quarantine (ECQ) sa Maynila.

Sa huling tala ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) hanggang 5:00, Biyernes ng hapon (April 16), umabot na sa 199,359 pamilya ang nakatanggap ng tig-P4,000 na ‘ECQ ayuda’ mula sa national government.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 52 porsyento ng kabuuang benepisyaryo ng ayuda.

Nagtungo ang mga kawani ng MDSW sa distribution areas sa anim na distrito ng lungsod.

Mahigpit ang pagtalima sa minimum health protocols sa mga distribution area.

Pinayuhan naman ang iba pang benepisyaryo na hintayin lamang ang pagdating ng MDSW staff sa kanilang komunidad sa mga susunod pang araw.

TAGS: cash aid in Manila, ECQ 2021 cash aid, ECQ ayuda, Inquirer News, Radyo Inquirer news, cash aid in Manila, ECQ 2021 cash aid, ECQ ayuda, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.