BREAKING: Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, higit 914,000 na; 10,726 ang nadagdag
Mahigit 10,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (April 16), pumalo na sa 914,971 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 193,476 o 21.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 10,726 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.9 porsyento ang asymptomatic; 0.30 porsyento ang moderate; 0.5 porsyento ang severe habang 0.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 145 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 15,738 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 650 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 705,757 o 77.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.