Dahil sa naranasang brownout, NAIA terminal 3 maaring maalisan ng ISO sticker

By Chona Yu April 13, 2016 - 07:39 AM

Naia-terminal-3-brownout  ‪@sheenapedrieta THROUGH MIGUEL CAMUSNanganganib na mawalan ng International Standardization Organization (ISO) sticker ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Ito ang sinabi ng isang opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) matapos makaranas ng mahigit limang oras na brownout ang NAIA terminal 3 noong April 2, 2016.

Sakop ng ISO certification ang passenger facilitation process kasama na ang public convenience.

Nakapaloob din sa certification na dapat ipatupad ang maayos na quality management system pati na ang maintenance ng facilities.

Nabatid na noong 2010 lamang nakakuha ng ISO certification ang NAIA terminal 3.

Una nang sinabi ni Manila International Airport Authority General Manager Angel Honrado na hindi naging maayos ang maintenance sa generator set sa NAIA 3.

Ito aniya ang dahilan kaya nang makaranas ng brownout sa lugar ay hindi agad naibalik ang suplay ng kuryente sa paliparan.

Ang nasabing brownout sa terminal 3 ay nagdulot ng pagkansela sa halos isandaang flights at nakaapekto ng libu-libong pasahero.

 

TAGS: NAIA terminal 3 brownout, NAIA terminal 3 brownout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.