DSWD tiniyak na may sapat na pondo para sa mga maapektuhan ng bagyong ‘Bising’
Sinigurado ng Department of Social Welfare and development (DSWD) na may sapat itong pondo para tulungan ang mga lokal na pamahalaan na maaapektuhan ng pananalasa ng bagyong ‘Bising.’
Sinabi ni Dir. Irene Dumlao, ang tagapagsalita ng DSWD, may ‘standby funds and relief supplies’ ang kanilang field offices.
Dagdag pa niya may nagsagawa na rin sila ng ‘pre-positioning’ ng ‘food and non-food items’ at ang kanilang Central Office ay maari din agad na makakapagpadala ng ayuda.
Aniya ang pondo na maaring mahugot sa tuwing may kalamidad ay nakapaloob sa 2021 budget ng kagawaran.
Una na rin tiniyak ni Social Welfare Sec. Rolando Bautista na may higit nakatabi silang P581 milyong pondo at halaga ng mga ‘essential goods.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.