P1,000 ayuda ipinambili ng shabu, lalaki timbog sa QC

By Jan Escosio April 16, 2021 - 09:47 AM

Inaresto ng Quezon City Police District ang isang 40-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng shabu na binili gamit ang natanggap na P1,000 na ayuda mula sa gobyerno.

Base sa ulat, alas-3 ng madaling araw nang sitahin si Joven Llera, residente ng Barangay Balara, sa Laura street dahil sa paglabag sa curfew hours.

Ngunit sa halip na magpaliwanag, binastos pa diumano ni Llera ang mga pulis.

Nabatid na una na rin sinita ang suspek sa nabanggit na lugar dahil sa paglabag sa curfew hours at iniuwi ito ng mga barangay tanod.

Ngunit bumalik ito sa lugar kung saan siya unang sinita para diumano hanapin ang isang sachet ng shabu na itinapon niya sa damuhan at nagkataon na nadaanan siya ng mga nagpapatrulyang pulis.

Inamin diumano ni Llera na nakabili siya ng shabu dahil sa natanggap na P1,000 ECQ cash aid.

TAGS: ECQ ayuda, Joven Llera, quezon city, shabu, ECQ ayuda, Joven Llera, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.