Sen. Leila de Lima naalarma sa pagdami ng Chinese vessels sa West Philippine Sea
(Courtesy: PCG)
Naghain ng resolusyon si Senator Leila de Lima para mahikayat ang gobyerno na gawin ang lahat ng legal at diplomatikong hakbang para igiit sa China ang sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
Sa Senate Resolution 694, sinabi ng senadora na lubha nang nakaka-alarma ang dumadaming bilang ng mga sasakyang-pandagat ng China sa West Philippine Sea.
Aniya maaring magresulta sa militarisasyon ng China sa rehiyon ang hindi pagtindig ng gobyerno para sa karapatan ng Pilipinas.
Binanggit nito, matapos ang paghahain ng panibagong diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs, tila hindi ganap na pinagtuunan ng pansin ng Malakanyang ang isyu at ayon kay Presidential spokesman Harry Roque mapapag-usapan ito ng dalawang bansa bilang malapit na magkaibigan.
Pagdidiin pa ni de Lima sa ginagawang aksyon ng Malakanyang, nababalewala ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa International Arbitral Tribunal noong 2016 at kasabay nito ang pagkasira ng yaman dagat at banta ng pananakop ng China sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.