China, napikon sa pahayag ng G-7 laban sa kanila

By Kathleen Betina Aenlle, Len Montaño April 13, 2016 - 05:03 AM

spratlysIkinagalit ng China ang pahayag ng foreign ministers ng Group of Seven o G-7 laban sa mga aktibidad sa East at South China Sea.

Dahil dito, hinimok ng Chinese foreign ministry ang G-7 na tuparin ang kanilang pangako na wala silang kakampihan kaugnay sa mga isyung may kaugnayan sa agawan ng teritoryo sa rehiyon.

Dagdag pa ng China, ituon na lang dapat nila ang kanilang pansin sa global economic governance and cooperation, at huwag nang palalain pa ang problema sa maritime dispute.

Muli pang iginiit ng China na may karapatan sila na magtayo ng mga istraktura sa Spratly islands at wala naman silang idinudulot na problema sa freedom of navigation at overflight sa East at South China Seas.

Inilabas nila ang pahayag na ito kasunod ng pahayag ng G-7 pagkatapos ng kanilang pagpupulong sa Japan na bumabatikos sa pang-aagaw umano ng China sa mga teritoryo sa rehiyon.

Sinabi pa ng kanilang foreign ministry na committed naman sila sa pakikipag-usap sa mga bansang direktang may kinalaman sa isyu, alinsunod sa international law at historical facts, upang mapanatili rin ang kapayapaan sa rehiyon kasabay ng pag-protekta ng kanilang soberanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.