LGUs, pinaghahanda na sa magiging epekto ng bagyong ‘Bising’

By Jan Escosio April 15, 2021 - 05:57 PM

Inabisuhan na ng NDRRMC ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kanilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng bagyong Bising.

Inaasahang Huwebes ng gabi, April 15, o Biyernes ng umaga, April 16 papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, na may international code naman na ‘Surigae.’

Nakapagsagawa na ng pre-disaster risk assessment meeting ang mga opisyal ng NDRRMC at natukoy na ang mga lugar na maaaring makaranas ng matinding epekto ng severe tropical storm.

Bagamat maliit ang posibilidad na tumama sa kalupaan si Bising, maaring maramdaman nang husto ang epekto nito sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas sa weekend hanggang sa araw ng Lunes.

“The public is again reminded to take precautionary measures, continue to monitor weather updates, and heed authorities’ warnings and advisories alongside observance of minimum health protocols against COVID-19,” ayon sa inilabas na pahayag ng NDRRMC.

TAGS: Bagying Bising, BisingPH, Inquirer News, NDRRMC, Pagasa, Radyo Inquirer news, Bagying Bising, BisingPH, Inquirer News, NDRRMC, Pagasa, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.