Mga bangko, hinimok na tumulong sa mga maliliit na negosyo
Pinatutulong ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang mga bangko sa mga maliliit na negosyo sa bansa.
Ayon kay Salceda, ngayong itinaas sa “stable” mula sa negative ng Moody’s Investor Service ang outlook nito sa Philippine banking sector, umaasa siya na mababawasan na ang mga dahilan ng mga bangko para sa pagpapautang sa mga small businesses.
Mahalaga aniya ngayon na mapadali ang proseso ng pangungutang sa mga bangko lalo na ng mga naghihingalong negosyo dahil sa epekto ng pandemya.
Iminungkahi ni Salceda ang pagbibigay ng mga bangko sa mga maliliit na negosyo ng mas magaang terms sa pagbabayad ng utang, gayundin ay dapat may options para sa restructuring para sa borrowers na mayroon pang bayarin.
Inirekomenda rin ni Salceda ang pagkakaroon ng flexible arrangements upang matiyak na ang kasalukuyang debt load ay hindi magiging non-performing.
Binigyang diin pa ng mambabatas na nanatiling matatag ang mga bangko sa bansa dahil ginamit ng mga ito ang P1.9 trilyong inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa trade market sa halip na ipantulong o ipahiram sa mga nahihirapang negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.