NBI, may lead na sa nang-hack ng COMELEC website

By Kathleen Betina Aenlle April 13, 2016 - 04:51 AM

Comelec-defaced-site-620x1043Unti-unti nang nabubuo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga impormasyon na magtutukoy sa katauhan ng mga nang-hack sa website ng Commission on Elections (COMELEC) ilang linggo na ang nakakaraan.

Ayon kay NBI Cybercrime Division chief Roland Aguto, mayroon na silang magandang lead at umaasa silang sa mga sumusunod na araw ay makikilala, maa-aresto at makakasuhan na nila ang mga nasa likod nito.

Base aniya sa IP address at intelligence report, napag-alaman ng NBI na naka-base lamang sa Pilipinas ang mga hackers.

Tumanggi naman na si Aguto na magbigay ng iba pang detalye tungkol dito upang hindi naman mabulilyaso ang kanilang isinasagawang imbestigasyon, pero oras aniya matukoy nila ang mga ito, agad nila itong kakasuhan ng pag-labag sa Cybercrime Prevention Act.

Samantala, tiniyak naman ni COMELEC spokesperson James Jimenez sa publiko na hindi kabilang ang mga sensitibong impormasyon tulad ng biometrics data sa mga nai-leak ng mga hackers.

Matatandaang hinack ng Anonymous Philippines at LulzSec Pilipinas ang website ng COMELEC noong March 27.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.