Gobyerno dapat na ring mag-angkat ng karneng baboy

By Erwin Aguilon April 15, 2021 - 12:09 PM

Pinag-aangkat na rin ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang pamahalaan ng karneng baboy kasunod ng pagbaba ng taripa para sa imported pork.

Ayon kay Quimbo, upang maging epektibo ang mababang taripa sa pagbaba ng presyo ng karne sa mga palengke dapat na payagan mismo ang gobyerno na magimport ng baboy.

Paliwanag ng ekonomistang kongresista, kung papayagan ang pamahalaan na magangkat ng baboy sa ilalim ng binawasang taripa, tiyak aniyang magkakaroon ng kompetisyon ang mga importers at mapipilitan na magbaba ng presyo.

Pinangangambahan kasi ni Quimbo na maaaring ibenta ng mga importers sa merkado ang mga karneng baboy sa mataas pa ring halaga kahit ibinaba na ang taripa dito lalo na kung nasasangkot ang mga ito sa anti-competitive practices tulad ng price fixing.

Giit ni Quimbo, kailangang kumilos na ang gobyerno at mag-import ng sariling baboy dahil ito lamang ang makapagbibigay ng kompetisyon sa mga importers habang hinihintay ang Philippine Competition Commission na umaksyon sa isyu.

Dagdag pa dito ay umaapela rin si Quimbo na bigyan ng cash assistance ang mga domestic hog raisers na apektado ng African Swine Fever (ASF) para tulungan ang mga ito sa pagpaparami ng mga baboy at para makasabay sa imported pork meat.

Ang panawagan ng kongresista ay bunsod na rin ng Executive Order 128 ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan itinataas ang minimum access volume (MAV) sa imported na karne ng baboy kasabay ng pagtapyas sa taripa nito.

TAGS: baboy, imported, Marikina Rep. Stella Quimbo, MAV, baboy, imported, Marikina Rep. Stella Quimbo, MAV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.