Apela sa pagpapatayo ng karagdagang COVID-19 facilities ginawa ni Sen. Go
Nakiusap si Senator Christopher “Bong” Go sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na madaliin ang pagpapalawak at pagpapatayo ng mga karagdagang modular hospital para sa mga tinatamaan ng COVID-19.
Hiling din ni Go na magkaroon ng intensive care at isolation units ang itatayong modular facilities.
Ginawa ng senador ang pakiusap dahil sa mga ulat na may mga pasyente sa kabila na grabe na ang kanilang kondisyon ay hindi na matanggap sa mga ospital dahil puno na ang COVID-19 wards.
Una nang inamin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nangangailangan ng karagdagang 2,000 ICU beds para makatugon sa pagdami ng mga bagong kaso.
Ilang ahensiya ang kumilos para sa karagdagang 1,045 ICU beds para sa critical cases at 1,178 beds naman para sa severe and moderate cases sa iba’t ibang pasilidad at ospital sa Metro Manila.
Una na ring umapela ang senador sa PhilHealth na bilisan ang pagbabayad sa mga ospital para hindi maapektuhan ang pagbibigay ng mga serbisyong-medikal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.