Ex-barangay chairman na konektado sa terror group patay sa PNP–CIDG
Patay ang itinuturong lider ng isang crime syndicate nang makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP – CIDG sa Datu Salibo, Maguindanao.
Kinilala ang napatay na si Marcos Manunggal, dating barangay chairman sa Barangay Tee ng nabanggit na bayan.
Sinabi ni CIDG Director, Maj. Gen. Albert Ferro na nakumpiska nila sa operasyon ang ilang matataas na kalibre ng baril at mga bala.
Nakatakas naman ang dalawang tauhan ni Manunggal na sina Datumanot Manunggal at Jaybee Mastura.
Ibinahagi ni Ferro na bumuo ng grupo si Manunggal na sangkot sa drug trafficking, gun-running at gun-for-hire sa mga bayan ng Datu Salibo, Shariff Aguak at Mamasapano, lahat sa Mindanao, bukod sa Midsayap, North Cotabato.
Nabatid naman na si Mastura ang pinuno ng Ansar al-Khalifa na may kaugnayan sa terror group a Dawlah Islamiyah at ito ay sangkot sa ilang insidente ng pambobomba sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.